Go push! :D —ask.fm/theMR14

Sinong magaakala.

Me: Ala Beb, nabura ko convo naten. Kainis. Inipon ko pa naman yun. -.-
Him: puro yata banat ang iniwan mo dun eh.
Me: Oo. Ganun na nga. Haha.
Him: Haha. Sarap sana balikan nung simula nateng pagtetext.
Me: Oo nga. Sinong magaakala na mapupunta tayo dito. :)
Him: Sino talaang magaakala! Haha
Me: Wala eh. Nabihag mo ang puso ko. Haha.
Him: Tinamaan ka ng kalandian ko. haha.
Me: Oo eh. Kashunga mo kasi. Haha. Basta walang lihiman ha! :)
Him: Oo naman. Haha. Swerte ko nga sayo at pinapayagan mo ko kahit papano sa mga bagay na hobby ko.
Me: Haha. Ay nakasanayan mo na eh. Alangan namang pagbawalan pa kita.
Him: Salamat ng madame. Dun pa lang Beb naku nabihag mo puso ko.
5 months ago with 2 notes ♡
5 months ago with 173191 notes ♡ via and source

I was searching for someone that I’d never thought I’d find, but here you are standing by my side.

Me and Beb. :)

Bride For Rent

January 30, 2014

Finally! After 103927964 years, natuloy na rin ang panunuod ng Bride for Rent. Haha. At dahil sabi ni Darwin kame lang daw dapat 4, no choice ako. Di ako makaagyakag ng iba, kahit ayaw ko magmukhang Double Date wala ako magawa, kasi minsan ko na nga lang daw masolo si Pandak tapos magyayakag pa ba naman daw ako. -.-

Habang nasa jeep paSM, may nakatabi si Abra na chiks. Sakto din na dumating yun batang namimigay ng sobre at nakanta ng kung anu ano dun sa may daanan. Binigay ko agad kay Abra yun sobre, sya naman kumuha ng 5 pesos. Niloloko ko si Abra na dapat di nya pinababayaan ang kanyang anak. Haha. Maya maya, lahat ng tao sa jeep puro kay Abra binigay yun sobre. Napaghalata tuloy na magkakuntyaba sila nun bata. HAHA.

Pinakapa saken ni Abra yun bag nya. May matigas na malapad na di ko maintindihan. Pagkatapos namin magpalit ni Vane ng damit. Bumili na kame ng ticket kasi 2 ang start ng movie. Bigla na lang sabi saken ni Abra na buksan ko bag nya. Pagkabukas ko. OMG! PANUTSA! Haha. Napasigaw ako. Kasi matagal ko na yan hinihingi sknya. Haha. Ngayon nya lang naisipan bumili. :) Andun na din yun damit na ipapaarbor nya saken.

Pagtapos namin bumili ng ticket, bumili na rin kame ng pagkain. Sa may Jolibee muna kame bumili. Pero dahil sa kagustuhan kong sa Mcdo. Ayun! Dun na din bumili si Abra. Nilibre nya ako ng Mcflurry at Fries. At dahil alam kong mauuhaw ako, ibinili nya ako ng tubig. Wala eh. Mabait yun tao eh.

 At sa sobrang shunga ko, nakalimutan ko pa password ng phone ko. -.- Saka ko lang naalala yun pattern nun naglock na sya ng tuluyan, di ko na din maalala gmail ko. -.- Kaya nakitext na lang ako kay Abra na itext si Beb.

Naikwento nya din saken na nanuod daw sila ni Ej ng Pagpag. At manunuod daw sila nung Third Eye. Okayyy. -.- </3 Super tagal magstart nun movie, halos maubos ko na yun Fries. Ang baboy namin kumain kasi pareho kameng natapunan. Una, natapunan sya ng chocolate ng Mcfloat. Sunod, natapunan naman ako ng Ketchup. At mamaya natapunan naman sya ng ice cream ng Mcfloat. Haha. At dahil dyan, sobrang dumi ng panyo ko. -.-

Binilhan din kame ni Darwin ng Caramel Popcorn. Habang nanunuod, tuwag tuwa sya kay Empoy, kaya niloko ko na kamukha nya yun. :) Niloloko ko din sya na naiyak sya dun sa medyo sad part ng movie. At nung matapos ang movie, ibinigay nya na din saken yun panutsa at damit. Buti nagkasya sa bag ko. Haha.

Ang saya ng araw na to. Maliban sa part na andameng nakaalam na nanuod kame ng movie kaya nagmukhang double date at nagtampo pa saken si Beb. Hayys. Sabi na eh. Dapat nagpaalam ako. :( Buti mabait si Beb at pinatawad ako. XD At sa part na kinailangan kong ireformat cellphone ko kasi di ko mabuksan. Andame tuloy nawala. -.- Pero masaya talaga. XD

With You.

January 28, 2014

With you everything seems alright. This day is so fun dahil kay Beb. XD Can’t explain the fun I’ve had because of him. Para bang nakalimutan ko lahat ng problema ko dahil sknya. Pati gutom ko nakalimutan ko, yun ihi lang ang hindi. Haha. ^_^

Dahil ang alam samen ay may klase ako, nagliwaliw muna ako. Unexpectedly, wala na din palang pasok si Beb. Napagusapan namin na magliwaliw muna. Nagpunta kameng Laurel Park para hindi siya makagastos. XD Naglandian este nagkulitan lang naman kame duon eh. Niaasar pa ako na ang taba ko, pati ang liit ko.-.- Pero natupad ko ang usapan namin na yayakapin ko siya. Pasimple pa nga nung una eh. Ang sarap nya yakapin. Wala eh, natutwa akong yakapin siya. Tapos nipapatong ko yun ulo ko sa may balikat nya. Maya maya, sobra na akong naiihi. Di ko na talaga mapigilan, kaya nagdesisyon na kameng maghanap na ng CR. Nun makita namin yun CR, sarado na. :’( Habang naglalakad kame, naalala ko bigla si Sol. Bigla naman umakbay saken si Beb. :) Nun sawakas naituro samen kung nasan ang CR, nailabas ko na lahat. After nun, para ba akong nakashabu. Haha. Sari sari na pinagsasabi ko. Sari sari na din pinaggagawa ko. Bumili kame ng pagkain, sinubuan ko pa nga siya. Natupad na naman ang isa sa pinagusapan namin. :) Hindi ako tumigil sa kakatawa, ang high ko! Haha. Lahat na lang ata ng pinagusapan namin, nasingitan ko ng banat eh. Nahawakan ko din ang kamay nya. Nun 6 na, nagdesisyon na kameng umuwi. Baka mapagalitan ako, at gagabihin pa siya sa byahe. Antok na antok pa naman yun. Para ko na syang boyfriend sa araw na ito. Haha. Kahit ngayon lang. Ang saya! Haha. Habang naghihintay kame ng jeep, sabi nya ang lamig daw. Ayun! Niyakap ko tuloy ng sobrang higpit. Haha. Para bang ayaw ko na siyang bitawan. Nun may dumaan na jeep, sabi ko "Love you Beb." sabi nya "Love you too." Wala eh. Kilig ako eh. HAHA.

Kung nababasa mo man ito Beb. Salamat sayo. Salamat kasi nagbibigay ka pa din ng oras saken. Walang magbabago ha. Walang ilangan. I love you Beb. (Maniwala ka din naman saken minsan. Haha.)

I’ve had enough.

I tried so hard wag lang mawala yung pagkakaibigan na yun. Pero sapat na ba yung ako na lang lagi ang nagawa ng move para magwork? Ayaw ko naman talagang sumuko eh. Hindi naman ako yung tipo ng taong sinusukuan ang taong mahalaga sa buhay ko. Pero ako yung taong sumusuko na pag sobra na! Pag sobra na akong nasasaktan. Pag sobra na akong nahihirapan. Pag alam kong wala na akong magagawa para maayos ang lahat. Yung itext nya ako ng “Who you po?” I’ve had enough. Tama na! Ayaw ko na ipilit kung ayaw na talaga. Sabi nga nila, “Bakit ko pa ipagpipilitan yung sarili ko sayo ngayong alam ko naman na masaya ka kahit wala ako?” Ang sakit lang kasi best friend ko siya. Mahal na mahal ko yun. Pero sobrang sakit din nun dinadaan daanan ka lang nya kung lahat naman ginagawa mo para maapproach mo siya. Sobrang saket. And now, I’m saying goodbye. Goodbye to the friend I’ll always love.

Maybe

Maybe. Maybe. Maybe. Maybe I’m starting to like you. Maybe I’m starting to think that this could be true. Maybe just maybe I’m falling for you. Echos. Naisip ko lang. Haha.

Habang tumatagal. Habang lumalalim ang pagkaibigan namin ni Beb. Lalo kong nakikita kung anung tipo ng tao sya. And I like what I’m seeing. May mga katangian man syang di maganda, ayos lang para saken. Siguro nga crush ko na sya. Siguro nga gusto ko na sya. Pero tama ba? Tama bang magustuhan ko sya? Lalo na at binest friend zone nya ko? Haha. Joke. Pero tama ba to? Lalo at alam kong hindi naman yun magkakagusto saken? Lalo at alam kong hindi ako yun mga babaeng magugustuhan nya? Lalo at alam kong kahit ganito kame kasweet, maaaring magbago ang lahat kasi hindi kame pwede?

Simula pa lang, alam ko namang biruan lahat. Pero shungabels tong puso ko. Nadadala. Haha. Hindi ko maiwasan na isipin na sana madevelop. Wala eh. Nagkakagusto na ko sknya. Joke man para sknya. Pero totoo naman talaga. Hay. Bat kaunfair mo life? Bat napakashunga mo MR pagdating sa ganito?